^

Bucks inilusot ni Holiday

(Pang-masa) - March 6, 2021 - 12:00am

MEMPHIS, Tenn. — Isinalpak ni Jrue Holiday ang isang baseline jumper sa huling dalawang segundo para ilusot ang Milwaukee Bucks sa Grizzlies, 112-111 sa kanilang huling laro bago ang NBA All-Star break.

Humakot si Giannis Antetokounmpo ng 26 points, 11 rebounds at 8 assists para sa Bucks (22-14) at may 22 at tig-15 markers sina Khris Middleton, Holiday at Pat Connaughton, ayon sa pagkakasunod.

Pinamunuan ni Ja Morant ang Grizzlies (16-16) sa kanyang 35 points.

Sa New Orleans, naglista si Jimmy Butler ng 29 points at sinamantala ng Miami Heat (18-18) ang hindi paglalaro ni Zion Williamson para kunin ang 103-93 panalo sa Pelicans (15-21).

Sa Indianapolis, kumolekta si Nikola Jokic ng 20 points, 12 rebounds at 8 assists at may 24 markers si Michael Porter Jr. para sa 113-103 tagumpay ng Denver Nuggets (21-15) sa Indiana Pacers (16-19).

Sa Washington, kumamada si Bradley Beal ng 33 points para igiya ang Wizards (14-20) sa 119-117 pagtakas sa Los Angeles Clippers (24-14).

Sa Boston, humataw si Jayson Tatum ng 27 points at 12 rebounds para akayin ang Celtics (19-17) sa 132-125 pagsibak sa Toronto Raptors (17-19).

BUCKS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with