^

Tim Cone Coach of the PBA bubble

Chris Co (Pang-masa) - March 6, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Igagawad kay Barangay Ginebra head coach Tim Cone ang Outstanding Coach of the Bubble award sa PBA Press Corps virtual Awards Night bukas sa TV5 Media Center.

Ito ay dahil sa kanyang paggiya sa Gin Kings sa korona ng 2020 PBA Philippine Cup laban sa TNT Tropang Giga, 4-1, sa kanilang best-of-seven championship series sa Angeles University Foundation gym sa Pampanga bagama’t hindi nakasama ng Ginebra sa ‘bubble’ tournament si center Greg Slaughter at kulang din sa kondisyon sina LA Tenorio at Japeth Aguilar.

Inangkin ng Gin Kings ang kanilang ika-13 PBA championship para tumabla sa Crispa Redmanizers sa No. 4 sa all-time winning list habang nakamit naman ni Cone ang kanyang pang-23 titulo bilang coach.

Sasamahan ni Cone sa center stage si 2019 Baby Dalupan Coach of the Year winner Leo Austria ng San Miguel sa special two-in-one awards night na inihahandog ng Cignal TV at ipapalabas sa PBA Rush.

Tatanggap din ng major awards sina PBA Commissioner Willie Marcial (Mr. Executive) at PBA Chairman Ricky Vargas (2019 Danny Floro Executive of the Year) ng TNT.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with