^

Nagsimula uli si Alex Eala

Chris Co (Pang-masa) - March 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magarbong sinimulan ni Alex Eala ang kampanya nito sa pagsisimula ng ITF Rafa Nadal Academy by Movistar World Tennis Tour sa Manacor, Spain matapos ilampaso si Simona Waltert ng Switzerland sa bendisyon ng 6-1, 6-4 demolisyon.

Mainit ang umpisa ng 15-anyos na Pinay netter nang pulbusin nito ang Swiss bet sa first set ng naturang $25,000 tournament.

Pumalag si Waltert sa second set nang kunin nito ang 4-3 kalamangan at tangkang maipuwersa ang deciding frame subalit agad itong napigilan ni Eala matapos angkinin ang tatlong sumunod na games para makuha ang panalo sa  labang umabot sa isang oras at 45 minuto.

Mapapalaban sa second round si Eala dahil makakasagupa nito si third seed Jana Fett ng Croatia na nanaig kay Diana Marcinkevica ng Latvia, 3-6, 6-3, 6-3, sa iba pang first-round match.

Mas mataas ang ranking ng 24-anyos na si Fett kumpara kay Eala na kasalukuyang No. 763 sa WTA.

“This is like my home now and all my coaches are here, my friends are here supporting me and I’m supporting them also so it’s a really good environment to be in,” ani Eala.

Nakatakdang laruin ang second round match nina Eala at Fett kagabi as of presstime.

ALEX EALA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with