^

Triple-double si Harden sa panalo ng Nets vs Rockets

(Pang-masa) - March 5, 2021 - 12:00am

HOUSTON — Kumolekta si star guard James Harden ng triple-double na 29 points, 10 rebounds at 14 assists para pamunuan ang Brooklyn Nets sa 132-114 paggupo sa dati niyang tropang Rockets.

Ito ang pang-walong triple-double ni Harden, dinala ng Houston sa Brooklyn via trade noong Enero 14, ngayong season.

Ipinoste ng Nets (24-13) ang franchise record na pang-pitong sunod na road victory at ipinalasap sa Rockets (11-23) ang ika-13 sunod na kamalasan.

Nagdagdag sina Kyrie Irving at Joe Harris ng 24 at 19 points, ayon sa pagkakasunod, para sa Nets.

Sa Philadelphia, humakot si Joel Embiid ng 40 points tampok ang panablang three-pointer sa regulation para akayin ang Eastern Conference-leading 76ers (24-12) sa 131-123 overtime win sa West-leading Utah Jazz (27-9).

Sa Sacramento, kumamada si Buddy Hield ng 29 points sa 123-120 pagtakas ng Kings (14-21) sa defending LA Lakers (24-13).

Sa Portland, umiskor si Stephen Curry ng 35 markers sa 108-106 pag-eskapo ng Golden State Warriors (19-17) sa Trail Blazers (20-14).

JAMES HARDEN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with