^

Gilas No. 31 pa rin sa FIBA ranking

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - March 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Napanatili ng Gilas Pilipinas ang kapit sa No. 31 ng world basketball rankings ayon sa pinakabagong update ng FIBA ngayong Marso.

Tengga rin sa ikaanim ang Pinas sa Asia-Oceania region sa likod ng Australia (#3), Iran (#23), New Zealand (#25), China (#29) at South Korea (#30).

Solo pa rin sa unahan ang USA kasunod ang Spain, Australia, Argentina at Serbia upang kumpletuhin ang Top 5 federations sa buong mundo papalapit sa Tokyo Olympics.

Nasa Top 10 din ang Greece, France, Lithuania, Russia at Italy.

Halos ‘di gumalaw ang rankings ng mga pederasyon matapos matigil ng ilang buwan ang mga FIBA tournaments bunsod ng COVID-19 pandemic bago magbalik-aksyon kamakailan lang para sa qualifiers ng mga continental cups tulad ng FIBA Asia Cup.

Wala pang talo sa 3-0 kartada ang Gilas sa FIBA Asia Cup Qualifiers papasok sa ikatlo at huling window na naurong sa hindi pa alam na petsa matapos ang venue change mula sa Doha, Qatar pabalik sa Clark, Pampanga.

Bukod sa naturang torneo ay nakapila pa ang ilang events sa Gilas tulad ng FIBA Asia Cup proper sa Agosto 16-28 sa Jakarta, Indonesia at ang FIBA Olympic Qualifying Tournaments sa parehong 5-on-5 at 3x3 Gilas team.

Lalaban ang Gilas 3x3 squad sa Graz, Austria sa FIBA 3x3 OQT sa Mayo 26-30 habang sasalang din ang 5-on-5 team sa Belgrade, Serbia sa Hunyo 29-Hulyo 3 bago ang mismong Olympics sa Hulyo 23-Agosto 8.

Nilalatag na ng Gilas ang planong training camp ngayong buwan upang sabay-sabay mapaghandaan ang mga krusyal na torneo sa patuloy na pagbabalik din ng sports sa gitna ng pandemya.

Bubuuin ng PBA stars at Gilas cadets kasama sina Kai Sotto at Ange Kouame kung aabot ang naturalization bill, ang ‘pinakamalakas’ na national team, ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas.

 

GILAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with