^

Andre Paras, kapatid nina Ahanmisi at Ganuelas-Rosser makahabol kaya?

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - March 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Malalaman ngayon ang kapalaran ng mga Filipino-Foreign standouts kung makakahabol ba sa pagpasa ng mga requirements upang ma-ging eligible sa nalalapit na 2021 PBA Rookie Draft sa Marso 14.

Mayroong hanggang alas-5 ng hapon sina Brandon Ganuelas-Rosser, Jerrick Ahanmisi (kapatid ng mga Gilas players na sina  Matt Ganuelas-Rosser at Maverick Ahanmisi) at anak ni PBA great Benjie Paras na si Andre na nahanay bilang mga Fil-foreign players gayundin sina at sina Jason Brickman, Jeremiah Gray para maipasa ang mga papeles tulad ng Bureau of Immigration recognition at Department of Justice affirmation.

Nanganganib din ang draft application ng iba pang pambatong Fil-Foreign hopefuls na sina Taylor Statham, Alec Stockton at Tyrus Hill kung hindi aabot sa deadline na inurong na ng PBA mula Enero 27 hanggang Marso 5 bilang kunsiderasyon sa travel restrictions sa buong mundo sa gitna ng pandemya.

Nahanay si Paras, anak ni PBA legend Benjie, sa listahan ng Fil-Foreign ayon sa pa-nuntunan ng PBA para sa draft eligibility sa kabila ng buong Filipino heritage dahil sa Amerika ito ipinanganak noong 1995.

Kasama sila sa 17 mula sa 31 na Fil-Foreign rookie hopefuls na kulang pa ang mga papeles upang maging pormal ang pagsali sa 97-man draft class, pinakamalaki sa kasaysayan ng PBA.

Samantala, sigurado na sa draft ang ibang Fil-Foreign aspirants na sina James Laput, Franky Johnson, Troy Rike at Mikey Williams.

ANDRE PARAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with