^

Deadline bukas ng mga Fil-Ams

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - March 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hanggang bukas na lang ang deadline ng m ga Filipino-Foreign applicants upang maihabol ang mga kulang nilang requirements sa 2021 PBA Rookie Draft sa Marso 14.

Huling tsansa ito para sa mga overseas talents matapos iurong ng PBA ang deadline mula Ene-ro 27 hanggang Marso 5 bilang kunsiderasyon sa travel restrictions sa buong mundo sa gitna ng pandemya.

Sinabi ng PBA na 18 mula sa 31 na Fil-Foreign rookies hopefuls ang hindi pa nakakakumpleto ng kanilang mga requirements upang maging eligibile sa 97-man draft class, pinamakalaki sa kasaysayan ng PBA.

Pinakamahalaga sa mga papeles na ito ang Bureau of Immigration recognition at Department of Justice affirmation.

Ilan sa mga prominenteng applicants na kulang pa noon ang requirements ay sina ABL standouts Jason Brickman, Jeremiah Gray at Brandon Ganuelas-Rosser ng Alab Pilipinas.

Kasama rin sa listahan si Taylor Statham na ayon sa panayam noong nakaraang buwan ay umaa-sang aabot ang pagproproseso niya ng mga naturang requirements.

Maugong na first round prospects ang mga Fil-Foreign hopefuls bunsod ng kalibre at karanasan sa abroad.

Kung aabot sa deadline,  llamado sila sa unang round kasama ang iba pang blue-chip prospects na sina Joshua Munzon, Jaime Malonzo, Calvin Oftana, Santi Santillan, Troy Rike, Alvin Pasaol, Larry Muyang, James Laput, Ben Adamos, Franky Johnson at iba pa.

Nauna nang sinabi ng mga coaches na mag-aabang muna sila sa mga lulusot na Fil-Foreign aspirants bago siguruhin ang kanilang mga asintang players sa pinakamalalim at pinakamalaking rookie draft.

Terrafirma, Northport at NLEX ang may hawak ng top three picks sa parehong special (Gilas) at regular draft ng PBA na sa unang pagkakataon ay gaganapin online bunsod ng pandemya.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with