^
Phoenix Suns pinasadsad ang LA Lakers

Phoenix Suns pinasadsad ang LA Lakers

(Pang-masa) - March 5, 2021 - 12:00am

LOS ANGELES — Inis-kor ni Dario Šari? ang 10 sa kanyang 21 points sa fourth quarter at nagdagdag si Mikal Bridges ng 19 markers para pamunuan ang 114-104 tagumpay ng Phoenix Suns sa nagdedepensang Lakers.

Inilista ng Phoenix ang kanilang 23-11 record bagama’t nasibak si star guard Devin Booker, tumapos na may 17 points, sa 7:10 minuto ng third quarter dahil sa pagre-reklamo sa officiating.

Muling binanderahan ni LeBron James ang Los Angeles (24-12) sa kanyang 38 points kasunod ang 17 markers ni Dennis Schröder.

Sa Milwaukee, humakot si center Nikola Jokic ng 37 points, 11 assists at 10 rebounds para sa kanyang ika-siyam na triple-double at inihatid ang Denver Nuggets (20-15) sa 128-97 pagdomina kay Giannis Antetokoumpo at sa Bucks (21-14).

Nagdagdag si Jamal Murray ng 24 markers para sa ikatlong sunod na panalo ng Nuggets.

Sa Boston, humataw si Kemba Walker ng 25 points para ihatid ang Celtics (18-17) sa 117-112 panalo laban sa Kawhi Leonard-less na Los Angeles Clippers (24-13).

Sa Miami, humugot si Trae Young ng 13 sa kanyang 18 points sa fourth quarter para sa 94-80 panalo ng Atlanta Hawks (15-2) sa Heat (17-18).

PHOENIX SUNS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with