^

Philippine athletes mas maganda kung mababakunahan na-- Velasco

Russell Cadayona (Pang-masa) - March 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines —Kung mas maagang mabibigyan ng coronavirus disease (COVID-19) vaccines ang mga national athletes at coaches ay mas maganda.

“Kung mayroon okay lang. Maganda nga po iyan para safe na ang mga athletes at coaches kung may vaccines na,” wika kahapon ni national women’s boxing head coach Boy Velasco.

Kamakalawa ay dumating na sa bansa ang Sinovac Biotech vaccine na donasyon ng China.

Ngunit hindi kasama sa priority list ang mga national athletes at coaches na nauna nang hiniling ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez kay vaccine czar Carlito Galvez, Jr. na maibilang. Ang mga frontliners ang prayoridad ng gobyerno na mabigyan ng bakuna laban sa COVID-19.

Nakakuha ang mga national athletes at coaches ng suporta mula kina Sen. Bong Go at House Deputy Speaker Mikee Romero. Nauna nang inihayag ni Phi-lippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino na nangako si business tycoon Enrique Razon na libreng bibigyan ng COVID-19 vaccines ang Team Philippines.

“Antay lang kami ng pasabi nila (PSC) kung kasama kami sa priorities nila (gobyerno),” wika ni Velasco.

Kasama ni Velasco sina Olympic-bound Irish Magno at Olympic hopefuls Nesthy Petecio at Carlo Paalam sa ‘bubble’ training sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna kung saan nagsasanay din ang mga atleta ng taekwondo, karatedo, archery, rowing, gymnastics, fencing at iba pa.

Pinaghahandaan ng mga national athletes ang 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo at ang Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Nobyembre.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with