^

Pocket Tournament para sa Gilas training

Chris Co (Pang-masa) - March 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Target ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na mag-host ng isang pocket tournament bilang paghahanda ng Gilas Pilipinas para sa FIBA Olympic Qualifying Tournament at FIBA Asia Cup proper.

Ayon kay SBP president Al Panlilio, may ilang bansa na ang nagpahayag ng intensiyong makaharap ang Gilas Pilipinas sa isang friendly games.

Kaya naman pinag-aaralan na ng SBP ang posibilidad na magkaroon ng  pocket tournament upang magkaroon ng tsansa ang Gilas Pilipinas na mahasa pa ng husto.

“I think we’re also willing to host it here,” wika ni Panlilio sa panayam ng ABS-CBN news.

Bukod pa ito sa planong pagsabak ng Gilas Pilipinas sa PBA Season 46 Philippine Cup na target buksan sa Abril.

Inimbitahan ng PBA ang Gilas Pilipinas bilang guest team sa Philippine Cup kung saan may tsansa itong makuha ang titulo ng kumperensiya hindi tulad ng nakalipas na partisipasyon ng national team sa liga.

“As you know, there’s also an invitation by the PBA to participate in the Philippine Cup,” dagdag ni Panlilio.

Kasama sa plano ng SBP sa pocket tournament ang pag-imbimbita sa dalawang PBA teams at ilang international teams.

Nais ng SBP na maihanda ng husto ang Gilas Pilipinas lalo pa’t magi-ging matindi ang laban nito sa Olympic qualifying tournament na idaraos sa Belgrade, Serbia sa Hunyo 29-Hulyo 4.

Makakasama ng Pilipinas sa Pool A ang host Serbia at Dominican Republic. Matatandaang inilampaso ng Serbia ang Pilipinas, 126-67 nang huli itong magtagpo noong 2019 FIBA World Cup na ginanap sa China. 

 

SBP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with