^

PBA teams pararangalan ng PBAPC

(Pang-masa) - March 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa kanilang suportang ibinigay sa gitna ng pandemya ay pararangalan ng PBA Press Corps ang 12 ballclubs sa virtual Awards Night sa Linggo sa TV5 Media Center.

Naging matagum-pay ang pagdaraos ng nakaraang 2020 PBA  Philippine Cup bubble sa Clark, Pampanga sa likod ng financial sacrifices ng mga koponan.

Igagawad ng grupo ng mga reporters na nagkokober ng PBA beat sa lahat ng member teams ang President’s Award.

Ang ‘Heroic 12’ ay binubuo ng Barangay Ginebra, TnT Tropang Giga, Meralco, Phoenix, San Miguel, Alaska, Magnolia, Rain or Shine, NLEX, Blackwater, NorthPort at Terrafirma.

Makakasama nila sa limelight si Bulakan, Bulacan Mayor at 1995 MVP Vergel Meneses, ang 2019 Presidential awardee, sa hour-long program na inihahandog ng Cignal TV at pamamahalaan nina hosts Rizza Diaz at Carlo Pamintuan.

Ipapalabas ang event sa Marso 8 sa PBA Rush.

Nakatakdang pa-ngalanan ang mga tatanghaling Outstanding Coach of the Bubble at Mr. Executive.

Bukod sa President’s Award, ang iba pang tatangap ng tropeo ay sina Justin Chua (Top Bubble D-Fender), Calvin Abueva, Chris Ross, Mark Barroca, Christian Standhardinger at Chua (All Bubble D-Fenders), RJ Jazul (Mr. Quality Minutes), CJ Perez (Scoring Champion), ang Barangay Ginebra-Meralco Game 5 semis (Game of the Bubble) at sinaAaron Black, Arvin Tolentino, Roosevelt Adams, Barkley Ebona at Renzo Subido (All-Rookie Team).

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with