^

Booker, Curry sa 3-point shootout

(Pang-masa) - March 5, 2021 - 12:00am

NEW YORK — Pamumunuan nina former champions Devin Booker ng Phoenix Suns at Stephen Curry ng Golden State Warriors ang mga sasabak sa 2021 Three-Point Contest sa Linggo sa State Farm Arena sa Atlanta.

Unang sasalang ang 3-point shootout bago ang 2021 NBA All-Star Game.

Ang iba pang kasama sa six-player field ng 35th edition ng 3-Point Contest ay sina 2021 NBA All-Stars Jaylen Brown at Jayson Tatum ng Boston Celtics, Zach LaVine ng Chicago Bulls at Donovan Mitchell ng Utah Jazz.

Ito ang pang-limang pagsali ni Booker, ang 2018 3-Point Contest champion, sa event habang titirada si Curry, ang 2015 ruler, sa pang-pitong pagkakataon para tumabla kay Dale Ellis sa second-most appearances sa ilalim ni Craig Hodges (8).

Samantala, papangalanan naman ang bagong Slam Dunk champion sa paglahok nina first-time participant Anfernee Simons ng Portland Trail Blazers, Cassius Stanley ng Indiana Pacers at Obi Toppin ng New York Knicks.

Wala sa listahan si Derrick Jones Jr. na naghari sa 2020 Slam Dunk contest laban kay Orlando forward Aaron Gordon.

DEVIN BOOKER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with