^

Garcia burado na sa listahan ni Pacquiao

Chris Co (Pang-masa) - March 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Burado na sa listahan ni eight-division world champion Manny Pacquiao ang pangalan ni World Boxing Council (WBC) interim lightweight champion Ryan Garcia.

Mismong si Garcia na ang nagkumpirma na hindi na matutuloy ang inaasam na dream fight nito laban sa Pinoy champion.

Sa kanyang Instagram story, inilabas ni Garcia ang saloobin nito.

Ipinaliwanag ni Garcia, ginawa nito ang lahat upang matuloy ang laban dahil pangarap nitong makasagupa ang isang world-class at boxing legend na si Pacquiao.

May mga bagay na naging isyu umano upang tuluyang maglaho ang kanyang pangarap na Pacquiao fight.

“To all my fans and supporters, my fight with Manny Pacquiao is not happening right now. I tried my best after getting the call to fight him but it didn’t happen due to some issues,” ani Garcia.

Hindi nito idinetalye pa ang mga naging aberya.

Sa ngayon, nais tutukan ni Garcia ang paghahanda para sa kanyang susunod na laban na hindi pa pinapangalanan. “I didn’t expect to come up but I’m already working on the next fight. Thank you for all the support,” ani Garcia.

 

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with