^

Gilas 3x3 team mapapasabak din

Russell Cadayona (Pang-masa) - March 3, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi lang Gilas Pilipinas quintet ang mapapasabak sa FIBA Olympic Qualifying Tournament dahil sasalang din ang pambatong 3x3 squad para sa tsansang makapasok sa Tokyo Olympics.

Ayon sa PBA, nakalatag na ang plano para sa Philippine 3x3 team upang mabigyan sila ng tamang preparasyon sa torneong nakatakda sa Graz, Austria sa Mayo 26-30 matapos ang postponement nito noong nakaraang taon bunsod ng pandemya.

Bubuuin ang koponan nina CJ Perez at Mo Tautuaa ng San Miguel Beer kasama sina Joshua Munzon at Alvin Pasaol na aakyat na sa PBA sa pamamagitan ng 2021 PBA Rookie Draft matapos ang stint sa Chooks-to-Go Pilipinas 3x3.

Kabilang sa suportang ibibigay ng PBA ang pag-a-adjust sa schedule ng kanilang mga koponan para sa nalalapit na 46th PBA Season sa Abril upang makapagsanay sila habang lumalarga ang season sa gabay ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) 3x3 director Ronnie Magsanoc.

Makakalaban ng Gilas 3x3 ang France, Qatar, Dominican Republic at Slovenia sa Pool C ng 20-team OQT kung saan tatlo lang aabante sa Tokyo Olympics.

Ipapakilala sa Tokyo ang 3x3 basketball bilang opisyal na medal event sa unang pagkakataon.

Sina Munzon at Pa-saol ang top 2-ranked 3x3 players sa bansa at inaasahang babandera rin sa kargadong rookie draft sa Marso 14. Naglaro sila sa iba’t ibang FIBA 3x3 tournaments kabilang na ang 2020 Doha Masters.

Sina Perez at Tautuaa naman ay kasama nina Jason Perkins at Chris Newsome sa Philippine team na nagwagi ng gintong medalya sa inaugural 3x3 tilt ng 30th SEA Games noong 2019.

Kasabay nilang susubok na maibalik ang Pinas sa prestihiyosong Summer Games ang 5-on-5 team na bubuuin ng SBP para sa sarili nitong OQT sa Belgrade, Serbia sa Hunyo 29-Hulyo 3.

Inaasahang babanderahan din ang koponan ng mga PBA All-Stars kasama ang ibang kadete sa pangunguna ni Ivorian center Ange Kouame – kung mapaplantsa  agad ang naturalization bill nito sa Senado – at Filipino teen sensation Kai Sotto.

Dalawang tsansa ito ngayon para sa bansa na makapasok sa Olympics sa unang pagkakataon simula noong 1978 Olympics na ginanap sa Munich, Germany.

GILAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with