^

Malapit na ang deadline ng mga Filipino-foreign applicants

(Pang-masa) - March 3, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bilang na ang araw ng mga Filipino-foreign applicants para makapagsumite ng mga kinakaila-ngang dokumento upang pormal na mapasama sa opisyal na listahan ng PBA Annual Rookie Draft na idaraos sa Marso 14.

Mayroon na lamang hanggang sa Biyernes ang mga Fil-foreign players para kumpletuhin ang mga requirements na kailangan ng liga.

Kabilang na rito ang certification mula sa Bureau of Immigration at recognition mula sa Department of Justice na magpapatunay na may dugong Pilipino ang mga ito.

Sa oras na maisumite ang mga dokumento, saka lamang isasama sa listahan ang mga Fil-foreign players. Nauna nang binigyan ng extension ni PBA commissioner Willie Marcial ang mga aplikante para buuin ang mga requirements.

“Binigyan sila ng extension, pero hindi na tayo tatanggap ng bagong applicants. Kung may kulang sila, makakapag-submit sila hanggang March 5,” ani Marcial sa kanyang naunang panayam.

Sa huling listahan ng PBA, may 18 sa 31 Fil-foreign applicants ang kulang-kulang pa ang requirements.

Nahirapan ang mga Fil-foreign players na kumuha ng mga dokumento dahil sa pandemya.

Inaasahang ilalabas ng PBA ang listahan ng mga kwalipikadong aplikante sa Marso 9.

Ilan sa mga Fil-fo-reign applicants sa rookie draft ay sina Fil-Am players Jason Brickman, Jeremiah Gray, Brandon Ganuelas-Rosser at FIBA 3x3 World Tour veteran Taylor Statham.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with