^

Kampeonato ang pangako ni Gavina sa Rain or Shine

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - March 3, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kampeonato ang pangakong maibigay ni Chris Gavina sa hinaharap sa contender na Rain or Shine matapos ang pagkakatalaga bilang pinakabagong head coach ng koponan simula ngayong Abril para sa 46th PBA Season.

“One good thing about this organization is we’re like a family, so when I was appointed head coach of the team where I’m already a part of was easy to accept,” ani Gavina. “We’re a playoff contender, but we look forward to winning championships in the future.”

Noong 2016 Commissioner’s Cup pa huling nag-kampeon ang Rain or Shine sa PBA.

Planong mapatid na ito sa wakas ng bagong mentor sa tulong ng solidong core nina James Yap, Gabe Norwood, Rey Nambatac, Javee Mocon at Beau Belga gayundin ng apat na picks sa bigating 2021 PBA Rookie Draft sa Marso 14.

“We believe we can get the best talent at No. 5 and we will fill up the roster with three second round picks, so that will give us young talents who can build our future,” dagdag ni Gavina.

Matapos ang mataas na first round selection ay hawak din ng Elasto Painters ang 17th, 22nd at 23rd pick sa 97-man rookie draft na kinukonsiderang pinakaapaw sa talentong draft class sa kasaysayan ng liga.

CHRIS GAVINA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with