^

Waiting lang si Diaz

Russell Cadayona (Pang-masa) - March 2, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Habang tuluy-tuloy ang kanyang ensayo sa isang training camp sa Malacca, Malaysia ay hinihintay ni national weightlifter Hidilyn Diaz ang paglalabas ng final list para sa 2021 Olympic Games.

Kasalukuyan siyang nasa likod nina Chinese Jiang Huihua, Liao Qiuyun, Zhang Wanqiong at Li Jayun sa listahan ng International Weightlfiting Federation (IWF) sa women’s 55-kilogram division.

Ilalabas ng IWF ang final list ng mga weightlifters na lalahok sa 2021 Olympics sa Tokyo, Japan sa Abril 31.

“Number two na ako sa rankings kasi isa lang ang maglalaro sa mga Chinese. Kailangan ko lang maglaro ng isa pa (Olympic qualifying) para maka-qualify ako kasi lima pa lang iyong nalaruan ko,” sabi kahapon ng 2016 Rio De Janeiro Olympics silver medalist sa panayam ng Kick-Start Coffee Brewed Awakening. “Kailangan ko lang kunin iyong body weight ko, kailangan o lang makapag-perform ng maayos,” wika ng tubong Zamboanga City.

Sasabak si Diaz, isang taon nang namamalagi sa Malaysia kung saan siya na-stranded dahil sa coronavirus disease (COVID-19), sa Asian weightlifting championships sa Tashkent, Uzbekistan sa Abril 16-25.

Base sa Olympic qua­lifying ratings process ng IWF ay dapat sumabak ang mga Olympic hopefuls sa anim na IWF-sanctioned competitions para makakuha ng silya sa quadrennial event.  Kung sakali ay makikita si Diaz sa kanyang ikaapat na Olympic appearance matapos noong 2008 (Beijing), 2012 (London) at 2016 (Rio de Janeiro, Brazil).

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with