^

All-Pinoy Cup target ng PSL

Chris Co (Pang-masa) - March 2, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos ang matagumpay na pagdaraos ng beach volleyball, sunod na puntirya ng Philippine Superliga (PSL) ang pagtatanghal ng All-Filipino Conference.

Walang naging aberya sa katatapos na 2021 Beach Volleyball Challenge Cup  sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sand courts.

Mahigpit ang pagpapatupad ng health protocols para masiguro na ligtas  ang lahat ng mga players, coaches at officials na nasa loob ng bubble.

Walang sinuman ang maaaring lumabas ng kani-lang mga kuwarto sa hotels nang walang pahintulot o hindi nakapaloob sa schedule ng torneo.  Ipinadadala sa bawat kuwarto ang pagkain ng bawat isa.

Dahil dito, walang nagpositibo sa mahigit 70 kataong nagpartisipa sa torneo.

Kaya naman nakakuha ng positibong pananaw ang pamunuan ng PSL na maaari itong magsilbing magandang simula para maikasa na ang indoor volleyball.

Mas magiging mahirap ang pagpapatakbo sa indoor games dahil mas maraming tao na ang involve kung saan posibleng umabot sa 20 katao ang bawat koponan - 12 players, dalawa hanggang tatlong coaches at iba pang officials gaya ng trainers at medical staff.

Bumubuo na ng solidong plano ang PSL sa pagdaraos ng indoor games. Nakasalalay na lamang ang lahat sa magiging desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) kung aaprubahan ito.

Sa kasalukuyan, nananatili ang utos ng IATF na tanging mga professional leagues lamang ang pinahihintulutan na makapagbalik-aksiyon. Maaari lamang makapagpatuloy ang isang amateur league kung makapapasa ito sa panuntunan ng IATF kasama ang Games and Amusements Board, Philippine Sports Commission at Department of Health.

 

PSL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with