^

PBA staff pararangalan ng PBAPC

Chris Co (Pang-masa) - March 2, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bibigyan ng rekognis-yon ang buong PBA staff sa isang special citation sa PBA Press Corps virtual Awards Night sa Linggo sa TV5 Media Center.

Pararangalan ng mga reporters na nagkokober ng PBA beat ang 17-man league personnel na pinamumunuan ni Deputy Commissioner Eric Castro na nasa likod ng matagumpay na pagdaraos ng 2020 Philippine Cup bubble sa Clark, Pampanga.

Ang special citation ang pinakabagong special bubble awards na igagawad sa event sa Marso 7 na inihahandog ng Cignal TV at ipapalabas sa PBA Rush kinabukasan.

Ang iba pang awards na ibibigay ay ang Outstanding Coach of the Bubble, Mr. Executive at ang President’s Award.

Nauna nang inihayag ang mga pangalan nina Justin Chua (Top Bubble D-Fender), Calvin Abueva, Chris Ross, Mark Barroca, Christian Standhardinger at Chua (All Bubble D-Fenders), RJ Jazul (Mr. Quality Minutes), CJ Perez (Scoring Champion), ang Barangay Ginebra-Meralco Game 5 semis (Game of the Bubble) at sina Aaron Black, Arvin Tolentino, Roosevelt Adams, Barkley Ebona at Renzo Subido (All-Rookie Team).

 

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with