Utah nangunguna pa rin
ORLANDO, Fla. — Nagpasabog si Donovan Mitchell ng 31 points para banderahan ang NBA-leading Utah Jazz sa 124-109 tagumpay sa Magic at makabangon mula sa naunang kabiguan.
Bumawi ang Utah (27-7) sa pagkatalo sa Miami Heat kamakalawa para patuloy na pangunahan ang liga.
Nagdagdag si Joe Ingles ng 17 points at 6 assists at humakot si center Rudy Gobert ng 12 markers at 16 rebounds habang may 18 points si Fil-Am Jordan Clarkson, ang NBA top-scoring reserve.
Pinamunuan ni All-Star center Nikola Vuce-vic ang Orlando (13-21) sa kanyang 34 points.
Sa New York, kuma-lawit si Luka Doncic ng 27 points para sa 115-98 pagpigil ng Dallas Mave-ricks (16-16) sa eight-game winning streak ng Brooklyn Nets (22-13).
Sa Philadelphia, umiskor si Collin Sexton ng 28 points kasunod ang 25 markers ni Darius Garland para sa 112-109 overtime win ng Cleveland Cavaliers (13-21) sa 76ers (22-12).
Sa Oklahoma City, naglista si Jamal Murray ng 26 points at nagposte si Nikola Jokic ng triple-double sa kanyang 19 points, 11 rebounds at 13 assists para sa 126-96 pagdomina ng Denver Nuggets (18-15) sa Thunder (14-20).
Sa San Antonio, kumolekta si DeMar DeRozan ng 32 points at 11 assists para akayin ang Spurs (17-12) sa 117-114 paglusot sa New Orleans Pelicans (14-19).
Sa Washington, kumamada si Bradley Beal ng 34 points at naglista si Russell Westbrook ng 19 markers, 14 rebounds at 12 assists para sa kanyang ika-10 triple-double sa 128-112 paggiba ng Wi-zards (13-18) sa Minnesota Timberwolves (7-27).
- Latest