^

PM Sports

Virtual ang PSA Awards Night sa Marso 27

Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa kasaluku­yang pandemya ay ida­raos ng Philippine Sportswriters Association (PSA) ang taunang SMC-PSA Awards Night sa kauna-unahang pagkakataon via virtual event.

Nakatakda ang event sa Marso 27 kung saan limitadong bilang lamang ng mga panauhin ang papayagan sa TV5Media Center studio habang ang ibang awardees at attendees ay manonood sa online.

Sa kabila ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic ay ilang Filipino athletes pa rin ang nakapagbigay ng karangalan sa bansa.

Ang pinakatampok sa kakaibang special event na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) ay ang paggawad sa Athlete of the Year trophy na ibinibigay ng pinakamatandang media organization sa pamumuno ng pangulo nitong si Manila Bulletin sports editor Tito S. Talao.

Ibibigay rin ang iba pang regular awards kagaya ng Executive of the Year, President’s Award, National Sports Association (NSA) of the Year at ang Lifetime Achievement Award.

Kasama rin ang mga major honorees sa honor roll list pati na ang ilang citations at special re-cognitions sa mga personalidad at grupo na nagpasigla sa Philippine sports sa gitna ng pandemya.

Ang hour-long program na inihahandog ng Cignal TV ay iho-host  nina Gretchen Ho at Carlo Pamintuan.

Ang Team Philippines ang hinirang na Athlete of the Year noong nakaraang taon matapos angkinin ang overall crown ng 30th Southeast Asian Games noong 2019.

Idinaos ang PSA Awards Night sa Manila Hotel noong Marso 6 isang linggo bago ilagay ang buong Luzon area sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil sa COVID-19 pandemic.

vuukle comment

PSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with