^
Nabago ang draft order
Calvin Abueva, CJ Perez, Vic Manuel

Nabago ang draft order

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - February 27, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbago ang pagkakasunud-sunod ng draft order dalawang linggo bago ang inaabangang 2021 PBA Rookie Draft Order sa Marso 14 matapos yanigin ng sunud-sunod na blockbuster trades.

Nagpalitan ng puwesto ang Magnolia, Phoenix at Alaska dahil sa magkakahiwalay na deals na naka-sentro sa superstar forwards na sina Calvin Abueva at Vic Manuel na maglalaro na sa bagong koponan simula sa 46th Season sa Abril.

Maging ang Terrafirma ay nabigyan ng extra first round pick mula naman sa deal sa San Miguel tampok ang star guard na si CJ Perez noong nakaraang buwan.

Ayon sa bagong order, No. 6 na ang Alaska (mula sa No. 7), No. 7 ang Phoenix (mula sa No. 10) at No. 10 ang Magnolia (mula sa No. 6) habang nadagdagan ng No. 8 pick (mula sa Beermen) ang Terrafirma bukod pa sa hawak na No. 1 overall pick.

Tengga naman sa mga original picks ang ibang koponan na Northport (2nd), NLEX (3rd at 4th), Rain or Shine (5th), Meralco (9th), Northport ulit (11th mula sa TNT) at defending champion na Ginebra (12th).

Unang napasakamay ng Phoenix ang 6th pick at si Chris Banchero mula sa Magnolia kapalit si Abueva. Bilang dagdag ay ibinigay din nila sa Hotshots ang kanilang original 10th pick.

Matapos iyon ay itinulak ng Fuel Masters sa Alaska ang naturang 6th pick at 16th pick ngayong draft, 2022 1st round pick at si Brian Heruela kapalit si Manuel.

Napunta rin sa big winner na Phoenix ang No. 7 at No. 19 pick ng Aces bilang pick swaps dagdag pa kina Manuel at Banchero kahit pa nawala si Abueva.

Naging dalawa naman ang first round picks ng Terrafirma (No. 1 at No. 8) matapos pakawalan si Perez patungo sa Beermen para kina Russel Escoto, Gelo Alolino, Matt Ganue­las-Rosser dagdag pa ang 2022 1st round pick.

Inaasahan pa ang ibang trades tampok ang mga draft picks sa patuloy na puwestuhan ng mga koponan bago ang pinakamalalim na PBA draft class na pinangu­ngunahan nina Joshua Munzon at Jaime Malon-zo.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with