^
Sta. Lucia beach volleybelles nagparamdam
Sina DM Demontano (kanan) at Jackielyn Estoquia ng Sta. Lucia-1.
Sta. Lucia Twitter photo

Sta. Lucia beach volleybelles nagparamdam

Chris Co (Pang-masa) - February 27, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagparamdam agad ang dalawang paboritong koponan ng Sta. Lucia Realtors matapos magtala ng magkasunod na panalo sa pagsisimula ng 2021 Gatorade-Beach Volleyball Challenge Cup kahapon sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sand courts.

Unang umariba sina Bang Pineda at Jonah Sabete ng Sta Lucia-2 nang kanilang ilampaso sina Ariane Luna Alarcon at Christina Canares ng Kennedy Solar Energy-PetroGazz sa pamamagitan ng 21-10, 21-7 demolisyon.

Umangat na sa 1-0 ang Sta. Lucia-2 sa Pool A habang bagsak sa 0-1 ang Kennedy Solar Energy-PetroGazz.

Sa kabilang banda, mainit ding sinimulan nina DM Demontano at Jackielyn Estoquia ng Sta. Lucia-1 ang kampanya nito matapos palugmukin sina Jonah San Pedro at Javen Sabas ng Toby’s Sports, 21-18, 21-13.

Nakuha nina Estoquia at Demontano ang 1-0 baraha sa Pool B samantalang nahulog sa 0-1 sina San Pedro at Sabas.

Gaya ng Sta. Lucia, nagpasiklab din ang dalawang pares ng Abanse Negrense.

Ginulantang nina Alexa Polidario at Erjan Magdato ng Abanse Negrense-1 sina F2 Logistics bets Jenny Mar Senares at Kyla Angela Gallego, 21-15, 21-12 para saluhan sa unang puwesto ang Sta. Lucia-2 sa Pool A.

Hataw din sina Jennifer Casas at Gelimae Villanueva ng Abanse Negrense-2 makaraang pataubin nito sina Ella Viray at Theresa Ramos ng United Auctioneers, 21-12, 21-12.

Sumosyo ang Abanse Negrense-2 sa Sta. Lucia-1 sa tuktok ng Pool B tangan ang parehong 1-0 rekord.

VOLLEYBALL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with