^

Jazul Mr. Quality Minutes ng PBAPC

(Pang-masa) - February 27, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Papagitna si Phoenix veteran guard RJ Jazul at ang kinatawan ng Philippine Cup bubble Game 5 semifinals match ng Barangay Ginebra at Meralco sa PBA Press Corps virtual Awards Night.

Hinirang ang 34-an-yos na si Jazul bilang Mr. Quality Minutes para sa kanyang kontribusyon mula sa bench sa kampanya ng Phoenix sa PBA Philippine Cup.

Tumipa ang 5-foot-11 playmaker ng mga averages na 11.0 points, 2.3 rebounds at 2.1 assists sa 17 games ng ‘bubble’ tournament.

Kinatampukan ito ng kanyang career-high 33 points sa 110-101 pagsibak sa five-time champion na San Miguel para makuha ng quarterfinals seat.

Kikilalanin din ng mga reporters na nagkokober ng PBA beat bilang Game of the Bubble ang pagtakas ng No. 1 Gin Kings laban sa No. 5 Bolts tampok ang buzzer-beating triple ni Scottie Thompson para sa PBA  Finals ticket.

Ang two-in-one awards night ay magpapakita rin sa mga 2019 awardees na pararangalan sa Marso 7 mula sa TV5 Media Center at inihahandog ng Cignal TV.

Nasa honor roll list din si CJ Perez (Scoring Champion) at ang All-Rookie Team (Aaron Black, Arvin Tolentino, Roosevelt Adams, Barkley Ebona at Renzo Subido).

Ibibigay din ang Outstanding Coach of the Bubble, Mr. Executive, President’s Award, Top Bubble D-Fender, All Bubble D-Fenders awards at isang special citation.

RJ JAZUL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with