^
Jazz âdi pinaporma ang Lakers

Jazz ‘di pinaporma ang Lakers

(Pang-masa) - February 26, 2021 - 12:00am

SALT LAKE CITY — Umiskor sina Fil-American guard Jordan Clarkson at center Rudy Gobert ng tig-18 points para pamunuan ang Utah Jazz sa 114-89 pagrapido sa nagdedepensang Los Angeles Lakers.

Nagtala rin si Gobert ng 9 rebounds para sa ika-22 panalo ng Jazz (26-6) sa huli nilang 24 laro.

Nagdagdag si Bojan Bogdanovic ng 15 points at may 14 at 13 markers sina Mike Conley at Donovan Mitchell, ayon sa pagkakasunod.

Ito ang ikaapat na sunod na kabiguan ng Lakers (22-11) na binanderahan ni LeBron James sa kanyang 19 points.

Sa Indianapolis, umiskor si Stephen Curry ng 24 points at nagtala si Draymond Green ng 12 points, 11 assists, 9 rebounds at 3 steals para sa 111-107 tagumpay ng Golden State Warriors (18-15) laban sa Indiana Pacers (15-15).

Sa Atlanta, naglista si Danilo Gallinari ng franchise record sa kanyang 10 triples para sa 127-112 pagdagit ng Hawks (14-18) kontra sa Boston Celtics (15-17).

Sa Miami, humugot si Jimmy Butler ng 14 sa kanyang 27 points sa final quarter para banderahan ang Heat (15-17) sa 116-108 pagsunog sa Toronto Raptors (16-17).

Sa Cleveland, dinuplika ni Jarrett Allen ang kanyang career high na 26 points bukod pa ang 18 rebounds at 4 blocks sa 112-96 paggupo ng Cavaliers (12-21) sa Houston Rockets (11-19).

Sa Chicago, humataw si Zach LaVine ng 35 points para pamunuan ang Bulls (15-16) sa 133-126 overtime win sa Minnesota Timberwolves (7-26).

Sa New Orleans, kumamada si Zion Williamson ng 32 points para akayin ang Pelicans (14-17) sa 128-118 tagumpay sa Detroit Pistons (9-23).

Sa Oklahoma City, nagpasabog si Shai Gilgeous-Alexander ng career-high 42 points at isinalpak ni Lu Dort ang isang game-winning triple para sa 102-99 pagtakas ng Thunder (13-19) laban sa San Antonio Spurs (16-12).

JORDAN CLARKSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with