^
Booker palit kay Davis sa NBA All Star game
Devin Booker

Booker palit kay Davis sa NBA All Star game

(Pang-masa) - February 26, 2021 - 12:00am

PHOENIX — Pinili si Suns guard Devin Booker bilang kapalit ni injured Los Angeles Lakers forward Anthony Davis sa 2021 NBA All-Star Game.

Tinapik ni NBA Commissioner Adam Silver si Booker para saluhin ang naiwang puwesto ni Davis isang araw matapos isnabin ang Phoenix shooter ng mga head coaches para sa isang reserve spot sa March 7 game sa Atlanta.

Tumanggap si Booker ng standing ovation mula sa home crowd nang ihayag ang pangalan ng sixth-year guard bilang isang two-time All-Star sa starting lineup introductions.

Tinulungan nina Booker at All-Star Chris Paul ang Suns na maitayo ang 20-10 record.

Nauna nang inireklamo ni LeBron James ng Lakers ang pang-iisnab ng mga coaches kay Booker para sa All-Star Game.

“Devin Booker is the most disrespected player in our league!!! Simple as that,’’ ang tweet ng Western Conference team captain.

DEVIN BOOKER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with