^

Make us proud Kouame

(Pang-masa) - February 26, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tagumpay ang isinukli nina Dennis Still, Jeff Moore at Chip Engelland nang gampanan ang papel na naturalized players para sa NCC national team noong dekada 80.

May narating din ang Gilas Pilipinas kasama si Marcus Douthit bilang naturalized player. Highest point and second-place finish sa 2013 FIBA Asia Cup na naging susi sa pagbalik ng Pilipinas sa World Championship noong 2014 sa Seville, Spain.

Sa 2014 Spain meet unang nagsuot ng Phl jersey si Andray Blatche. At ilang taon din pinakinabangan ang NBA veteran sa maraming international games.

Masasabing hindi nagkamali sa pagkuha ng serbis-yo nina Still, Moore, Engelland, Douthit at Blatche.

Ito ang bigat na bubuhatin ni Ange Kouame sa nalalapit niyang paghalili kay Blatche bilang Gilas naturalized player.

Pero dahil para na ring homegrown bilang manlalaro ng Ateneo Eagles sa UAAP, mas tanggap sa nakararami ang natura-lization process na gumugulong para sa 6-foot-10 Ivorian player.

Kaya nga’t swabe ang gulong ng kanyang naturalization sa Lower House at Senate. Ang hiling lang lahat: Make us proud Kouame.

DATOS: Happy lola si Kumareng Ester Nena Portuguez sa seventh birthday ng kanyang twin apo na sina Prince Gavin at Prince Garett Bugna noong nakaraang araw. Pride and joy ni Nena ang kambal gaya ng iba pa niyang apo.

 

ANGE KOUAME
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with