^

PM Sports

Naturalization ni Kouame malapit na malapit na

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Naturalization ni Kouame malapit na malapit na
Ange Kouame

MANILA, Philippines — Lusot na sa Senate Committee of Justice ang naturalization bills nina Ivorian center Ange Kouame at Spanish winger Bienvenido Maranon upang makapaglaro sa Gilas Pilipinas at Philippine Azkals, ayon sa pagkakasunod.

Mismong si Samahang Basketbol ng Pilipinas chairman at Senador Sonny Angara ang nag-anunsyo ng pagpasa ng Senate Bill No. 1892 sa justice committee kahapon na pinamumunuan ni Senador Dick Gordon.

“Justice committee passes naturalization bills for Ange Kouame and Bienvenido Maranon Morejon pero pinakanta muna,” ani Angara na may akda ng naturang panukalang batas.

Parehong dumalo ang dalawang national team prospects at kumanta rin ng pambansang awit na ‘Lupang Hinirang’.

Si Senador Miguel Zubiri naman ang sponsor ng Senate Bill No. 1391 na layong bigyan ng Filipino citizenship sa pamamagitan ng naturalization si Azkals propect Maranon.

Susunod na tatalakayin sa plenaryo para sa unang pagbasa ang SB No. 1892 at SB No. 1391.

Kailangang pumasa sa tatlong pagbasa ang mga panukalang batas upang madala sa opisina ni Pangulong Rodrigo Duterte na siyang pipirma nito para maging ganap na batas.

Noong nakaraang linggo ay ipinasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa unanimous vote ang parehong batas.

Sa botong 210-0 ay ipinasa ng mga mambabatas sa huling pagbasa ang naturalization bill ni Kouame at swak din sa 206-0 na boto para naman sa citizenship ni Maranon.

 

vuukle comment

ANGE KOUAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with