_pang-masa
^

PM Sports

Tiger Woods naaksidente

Pang-masa
Tiger Woods naaksidente
Tiger Woods

LOS ANGELES — Nasangkot sa isang aksidente si American golf legend Tiger Woods matapos sumirko ang kanyang minamanehong kotse kahapon ng umaga.

Nagkaroon si Woods ng injury sa kanyang mga binti at kaagad sumailalim sa surgery.

Sinabi ni Los Angeles County Sheriff Alex Villanueva na wala sa impluwensiya ng droga o alak ang 45-anyos na si Woods nang mangyari ang aksidente.

“I will say that it’s very fortunate that Mr. Woods was able to come out of this alive,” sabi ni deputy Carlos Gonzalez, ang unang law enforcement official na dumating sa pinangyarihan ng aksidente kung saan nakita niyang naipit si Woods sa kanyang kotse at nanatiling kalmado at naipakilala ang sarili.

Ang kalsada ay sinasabing “hotspot” para sa high-speed accidents sa nakalipas na mga taon.

Kamakailan ay sumailalim si Woods, may 15 major golf championships, sa isang back surgery at wala pang katiyakan kung maglalaro siya sa darating na US Masters na huli niyang pinag­harian noong 2019.

 

TIGER WOODS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with