^
De Los Santos 7-golds na
Orencio James De Los Santos

De Los Santos 7-golds na

Chris Co (Pang-masa) - February 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mas lalo pang nagning-ning ang pangalan ni Orencio James De Los Santos matapos masungkit ang ikapitong gintong medalya sa online tournaments sa taong ito.

Pinagharian sa pagkakataong ito ng 30-anyos Cebuano ang Adidas USA Karate Open E-Tournament kung saan pinataob nito sa finals si Andrei Gabriel Nedelcu ng Romania (25.1-24.7) para masiguro ang ginto.

Humirit ng tiket sa gold-medal match si De Los Santos nang igupo nito si Jaime Teruel ng Dominican Republic sa pamamagitan ng 24.7-24.2 panalo sa semis.

Parehong 23.8 ang iskor nito at karibal na si Alfredo Bustamante ng Amerika sa first round ngunit naungusan ni De Los Santos si Bustamante sa countback ng mga judges (4-1).

Dahil dito, mas lalo pang tumindi ang kapit ni De Los Santos sa No.1 spot sa world rankings tangan ang 20,250 puntos-- malayo sa No. 2 na si Domont Matias Moreno ng Switzerland na mayroon lamang 10,410 puntos.

ORENCIO JAMES DE LOS SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with