Clippers inawat ang Wizards
LOS ANGELES — Kumamada si Kawhi Leonard ng 32 points para banderahan ang Clippers sa 135-116 pagpapatiklop sa Washington at wakasan ang season-high five-game winning streak ng Wizards.
Nagdagdag si Paul George ng 30 points para sa Clippers (23-10) bago lisanin ang laro sa 7:19 minuto ng fourth period dahil sa toe injury.
Tumapos si Bradley Beal, ang NBA leading scorer, na may 26 points at 10 assists sa panig ng Wizards (11-18) at nagtala si Russell Westbrook ng 20 points, 10 assists at 9 rebounds.
Sa Milwaukee, humakot si Giannis Antetokoumpo ng 37 points, 8 rebounds at 8 assists sa 139-112 pagpapatumba ng Bucks (19-13) sa Minnesota Timberwolves (7-25).
Sa Tampa, tumipa si Tobias Harris ng 23 points, 7 boards at 5 assists para pamunuan ang Philadelphia 76ers (21-11) sa 109-102 paggapi sa Toronto Raptors (16-16).
Sa New York, umiskor si Stephen Curry ng 37 points para banderahan ang Golden State Warriors (17-15) sa 114-106 paggupo sa New York Knicks (15-17).
Sa New York, humugot si Bruce Brown ng 13 sa kanyang 29 points sa fourth quarter para akayin ang Brooklyn Nets (21-12) sa 127-118 panalo sa Sacramento Kings (12-19).
Sa Cleveland, isinalpak ni rookie forward Lamar Stevens ang isang dunk sa huling 4.1 segundo para tulungan ang Cavaliers (11-21) na agawin ang 112-111 panalo sa Atlanta Hawks (13-18) at tapusin ang kanilang 10-game losing slump.
Sa Orlando, humataw si Saben Lee ng career-best 21 points para ihatid ang Detroit Pistons (9-22) sa 105-93 paggupo sa Magic (13-19).
- Latest