^
Abueva, Perez nag-ensayo na
Calvin Abueva at CJ Perez

Abueva, Perez nag-ensayo na

(Pang-masa) - February 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawa sa mga manlalarong natampok sa blockbuster trades ngayong offseason sa katauhan nina CJ Perez at Calvin Abueva ang sumalang na sa practice ng kanilang  mga bagong koponan na San Miguel Beer at Magnolia, ayon sa pagkakasunod.

Kinumpirma nina SMB head coach Leo Austria at Hotshots mentor Chito Victolero ang pagdalo ng dalawang superstars sa kani-kanilang training camps matapos sumailalim sa mahigpit na protocols kabilang na ang COVID-19 testing.

Ito ang unang ensayo ni Perez buhat nang malipat mula sa Terrafirma sa kaagahan nitong buwan gayundin si Abueva nang ma-trade mula sa Phoenix noong nakaraang linggo.

Tulad nang isinasagawang pagsasanay ng ibang manlalaro ay individual workouts lang muna kada-batch ang training nina Perez at Abueva. Hindi pa pinapayagan sa ngayon ang scrimmage training ng mga koponan kaya’t maghihintay pa nang bahagya sina Perez at Abueva na makasalo sa court ang mga bagong kasangga.

Palalakasin lalo ni Perez ang kargadong Beermen na pinangungunahan ni six-time PBA MVP June Mar Fajardo.

Dadagdag naman si Abueva sa Hotshots na layuning mawakasan na ang All-Filipino title drought simula pa noong 2014.

Sasamahan niya sina Ian Sangalang, Paul Lee, Mark Barroca, Jio Jalalon, Rafi Reavis, Marc Pingris at iba pa.

Nakuha ng Magnolia si Abueva mula sa Fuel Masters kapalit sina Chris Banchero at dalawang picks sa 2021 PBA Rookie Draft habang nasikwat ng Beermen si Perez mula sa Dyip kapalit sina Gelo Alolino, Russel Escoto, Matt Ganuelas Rosser at dalawang draft picks.

Nakatakda ang 2021 PBA Draft sa Marso 14 bago ang inaabangang 46th Season sa Abril 9.

 

CALVIN ABUEVA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with