^

National athletes priority din sa COVID-19 vaccine

Russell Cadayona (Pang-masa) - February 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaprubahan kahapon ng House Sports and Youth Development Committee ang isang resolusyon para hilingin sa pamahalaan na isama ang mga national athletes sa priority list na bibigyan ng coronavirus disease (COVID-19) vaccines.

Sinabi nina House Deputy Speaker Mikee Romero (1-PACMAN party-list) at panel chairman Rep. Faustino Michael Carlos Dy (Isabela) na tanging ang mga atletang sasabak lamang sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan at sa Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam ang tatanggap ng bakuna.

Nakatakda ang 2021 Tokyo Olympics sa Hul-yo 23 hanggang Agosto 8 habang sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2 naman magaganap ang Vietnam SEA Games.

Ang nasabing reso-lusyon ay dadalhin sa plenary kung saan maaari itong tanggapin o ibasura ng Kongreso.

Ayaw naman ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez na pangunahan ang mga frontliners.

“We are requesting support from the IATF (Inter-Agency Task Force) for the much needed COVID-19 vaccines but without skipping the most vulnerable frontliners,” ani Ramirez sa komite.

Noong Disyembre 15 lamang pinayagan ng IATF ang pagbabalik-ensayo ng mga national athletes na lalahok sa Tokyo Olympics at Vietnam SEA Games sa loob ng ‘bubble’.

Kamakailan ay inihayag ng International Olympic Committee (IOC) na dapat mabigyan ng COVID-19 vaccines ang mga athletes at officials na makikibahagi sa 2021 Tokyo Games.

 

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with