^

PM Sports

Rookie aspirants kikilatisan

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magpapasiklab ang mga top frontcourt prospects na sina Larry Mu­yang, Santi Santillan, Ben Adamos at James Laput ngayong linggo sa nakatakdang private workouts bilang kapalit ng nakanselang Draft Combine bago ang 2021 PBA Rookie Draft sa Marso 14.

Inimbitahan ang apat na big men ng Magnolia na asintang sumikwat pa ng isa pang sentro sa hawak na No. 10 pick bilang dagdag na puwersa matapos makuha si Calvin Abueva mula sa Phoenix noong nakaraang linggo.

Naghihintay nalang ang Hotshots ng resulta ng swab tests ng apat bilang bahagi ng protocols bago makilatis ngayong araw o sa makalawa ang mga rookie prospects.

Nakalinya rin sina Santillan, Adamos, Alvin Pasaol, Jerrick Ahanmisi, Aljun Melecio at iba pang prospects para sa hiwalay pang workouts sa defen­ding Philippine Cup champion na Barangay Ginebra na hawak ang No. 12 pick, ayon sa mga ulat.

Sina Muyang, Laput at Troy Rike rin ang target ng Alaska, ayon kay coach Jeff Cariaso, sa 7th pick.

Pinayagan ni PBA Commissioner Willie  Marcial ang individual workouts ng mga roo-kies sa interesadong mga koponan matapos kanselahin ang Draft Combine na naka-iskedyul sana sa Marso 10 at 11 bilang safety precautions.

Sa ilalim ng naturang individual workouts ay daraan sa parehong mahigpit na protocols ang mga rookie hopefuls kagaya ng mga kasalukuyang manlalaro na nasa kalagitnaan na ng kanilang paghahanda para sa 46th PBA Season sa Abril.

Magpupulong naman ang NLEX ngayong linggo sa pangunguna ni coach Yeng Guiao upang tala-kayin ang mga iimbitahan nilang aspirants para sa No. 3 at No. 4 picks.

Ang Rain or Shine (#5), Phoenix (#6) at Meralco (#9) ay maghihintay pa ng final na listahan ng PBA pagkatapos ng extended deadline na Marso 5 para sa mga kulang na papeles na Filipino-Foreigner draft applicants.

Matunog na mangu-nguna sa 97-man draft class sina Joshua Munzon at Jaime Malonzo na babagsak sa Terrafirma at Northport na may-ari ng No. 1 at No. 2 pick, ayon sa pagkakasunod.

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with