^
Jaja Santiago matetengga muna sa Japan
Jaja Santiago

Jaja Santiago matetengga muna sa Japan

Chris Co (Pang-masa) - February 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tapos na ang kampanya ni Jaja Santiago sa Japan V.League kung saan nagkasya sa ikalimang puwesto ang kanyang koponang Saitama Ageo Medics-- mas mababa sa kanilang bronze-medal finish noong nakaraang taon.

Bigo na makapasok ang Ageo sa semifinals matapos makapagtala ng 12-8 rekord sa eliminasyon sapat lamang sa ikalimang puwesto dahilan para mahulog sa classification round ang tropa.

Sa classification, tinalo ng Ageo ang Hitachi Rivale (25-23, 21-25, 26-24, 25-14) at Okayama Seagulls (17-25, 25-23, 25-20, 25-20) para makuha ang fifth place.

Sa kanyang huling laro sa Ageo, nagsumite ang 6-foot-5 Pinay middle blocker ng 11 puntos mula sa siyam na attacks at dalawang blocks.

Bagama’t tapos na ang torneo, hindi pa makakauwi ng Pilipinas si Santiago dahil lalahok pa ang Ageo sa isang pocket tournament sa Japan.

Tatakbo ang pocket tournament ng isang linggo.

Inaasahang makababa-lik ito sa Pinas sa Marso.

Wala pang linaw kung mare-renew ang kanyang kontrata sa Ageo dahil plano ni Santiago na makapag-laro naman sa iba pang bansa gaya ng Turkey, Italy at China.

 

JAJA SANTIAGO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with