^
Eala umangat sa world ranking
Alex Eala

Eala umangat sa world ranking

Russell Cadayona (Pang-masa) - February 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na mapigilan ang pag-akyat sa world rankings ni Pinay tennis sensation Alex Eala.

Sa inilabas na pinakahuling Women’s Tennis Association (WTA) Tour singles rankings ay pumuwesto ang 15-anyos na netter sa No. 763 mula sa No. 903.

Ang pag-angat ni Eala sa WTA rankings ay mula na rin sa kanyang respetadong performances sa mga nilahukang professional tournaments sa Spain at France.

“I’m super happy and thankful to my team and family for all the support,” sabi ni Eala.

Nakamit ng Pinay phenom ang kauna-unahan niyang women’s pro title matapos magreyna sa first leg ng three-leg W15 Manacor ITF Rafa Nadal Academy World Tennis Tour noong Enero sa Spain.

Dalawang beses siyang umabante sa quarterfinals ng second at third leg ng naturang kompetisyon na nilahukan ng ilang bigating pro netters sa buong mundo.

Napatalsik si Eala sa ITF W25 Grenoble sa France makaraang makatikim ng 0-6, 4-6 kabiguan kay WTA No. 220 Maja Chwalinska ng Poland sa quarterfinals ng nasabing torneo.

Nakatakdang sumabak ang iskolar ng Rafa Nadal Tennis Academy sa W25 Manacor sa Spain sa Marso 1.

 

ALEX EALA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with