^

PM Sports

Guidance

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Dahil hindi makapaglatag ng certain plans kung paano papatakbuhin ang susunod na PBA season sa gitna pa rin ng pandemyan, ang balita ko eh hindi na basta-bastang government office ang kakatukan ng PBA for guidance.

Ano ang puwede namin gawin? Ito ang katanungan ng PBA.

Nakaraos ang PBA sa bubble setup sa Clark para sa kanilang one-conference 2020 war.

Pero nagdusa sila sa hirap ng paglalaro na nakakulong ng matagal sa isang lugar.

At nagdugo rin ang kanilang pananalapi dahil sa laki ng gastos ng setup.

Siyempre, most ideal ang paglalaro sa Manila venues kung saan papayagan silang makapiling ng mga players, coaches at iba pang PBA personalities ang kanilang mga pamilya.

Pero papayagan na ba ito?

April 9 ang target opening date ng PBA Season 46. Pero may vaccine rollout na kaya sa panahon na iyon na magbibigay daan sa pagbalik ng liga sa dating setup?

Dahil sa marami pang ibang katanungan, sa mataas na opsiyales na raw makikipaghuntahan ang isang PBA official.

Kasama raw ito sa IATF meeting at laging pre­sent sa press briefing ni Presidente.

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with