^

PM Sports

Ekonomiya

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Nagdudusa ang ekonomiya dahil sa pandemya, at walang duda na pati ang PBA bilang liga at ang mga ball clubs eh hagip ng hirap na dulot ng sangkaterbang quarantine restrictions.

Dahil nakatengga ang liga, walang pumapasok na pera. Sa halip, labas pa ng labas ang pananalapi dahil sa pasuweldo sa players, coaching staff, support staff at office maintenance.

Kaya’t maaring may mga players na nag-expire na ang kontrata pero hindi pa pinapapirma ng contract renewal.

Ang malamang na mas maaalagaan eh ang mga star players o manlalarong kasama sa core rotation.

Malamang na kasama ito sa equation sa mga binabatikos na lopsided trades.

Lamang ang mahaba ang pisi o malalim ang bulsa.

Ang mga ‘di ka-lakihang ball clubs eh maeengganyong mag-unload ng premyadong players para makabawas sa payroll.

Ang siste, magpapatuloy na magdurusa ang balanse ng liga – angat ang malalim ang bulsa at patuloy na nasa kangkungan ang maigsi ang pisi.

Mahirap solusyunan ang problema na ito.

Lalo na sa panahong ito na patuloy na nasa balag ng alanganin ang maraming bagay dahil sa COVID.

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with