^
Clarkson umangat para sa Jazz win

Clarkson umangat para sa Jazz win

(Pang-masa) - February 17, 2021 - 12:00am

SALT LAKE CITY — Nagpasabog si Fil-Am guard Jordan Clarkson ng season-high 40 points para banderahan ang 134-123 paggiba ng Utah Jazz sa  Philadelphia 76ers sa matchup ng mga conference leaders.

Tumipa rin si Clarkson ng career-high na walong three-pointers, habang may 24 markers si Donovan Mitchell para sa pang-walong dikit na ratsada ng Jazz (23-5).

Nakahugot naman ang 76ers ng career-best 42 points kay Ben Simmons kasunod ang season-high 36 markers ni Tobias Harris.

Sa San Francisco, nagpaputok si  Stephen Curry ng 36 points para pamunuan ang Golden State Warriors (15-13) sa 129-98 pagpapabagsak sa Cleveland Cavaliers (10-19).

Dinuplika ni Draymond Green ang kanyang career high na 16 assists sa pagpapalasap ng Warriors ng pang-walong sunod na kamalasan sa Cavaliers.

Sa Los Angeles, nag-lista si Marcus Morris, Sr. ng 32 points para ihatid ang Clippers (21-8) sa 125-118 pagpapalamig sa Miami Heat (11-16).

Sa Sacramento, kumolekta si James Harden ng triple-double sa kanyang 29 points, 13 boards at 14 assists para sa 136-125 panalo ng Brooklyn Nets (17-12) kontra sa Kings (12-15).

JORDAN CLARKSON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with