^

PM Sports

Flopping

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Biglang bumalik sa aking isip ang Philippine-Greece match noong 2014 FIBA World Cup dahil sa warning na ibinigay kina LeBron James at Kyle Kuzma sa kanilang laban kontra sa Memphis noong nakaraang araw.

Sina LeBron at Kuzma ay nabigyan ng warning “for flopping.”

Sa Philippine-Greece match, dikit sa laban ang Gilas pero bumigay dahil sa technical fouls na naitawag sa mga Pinoy dahil sa flopping.

Mahigpit ang FIBA sa pagpapatupad ng anti-flopping rule.

Ang rule na ito ay laban sa mga players na nag-iinarte sa konting bangga (o kahit na walang contact) para magoyo ang mga referees na tumawag ng foul.

Parte ng PBA ang rule na ito pero madalang ipatupad. Ibig sabihin pinapabayaan ang mga players na bagsak nang bagsak sa court o higa nang higa kahit walang malakas na collision.

Isa ito sa mga batikos ng “LeBron haters” sa NBA superstar. Flopper daw si LeBron kaya’t umaani ng maraming free throws.

Kontra sa Grizzlies, nasa pagitan si LeBron ng dalawang Memphis players nang bumitaw ng tira si Anthony Davis mula sa kabilang side ng court.

Biglang nagpatihaya si LeBron at gulantang ang Memphis player na tinawagan ng foul.

Pero pinansin na si LeBron ng liga. Tinawag ang kanyang atensyon: Warning for flopping.

vuukle comment

FIBA WORLD CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with