^
76ers nalusutan ang Lakers

76ers nalusutan ang Lakers

(Pang-masa) - January 29, 2021 - 12:00am

PHILADELPHIA — Isinalpak ni guard Tobias Harris ang isang 12-foot jumper sa huling 2.4 segundo para itakas ang 76ers laban sa nagdedepensang Los Angeles Lakers, 107-106.

Umiskor si star center Joel Embiid ng 28 points, habang tumapos si Harris na may 24 markers para sa 13-6 record ng 76ers.

Inilista ni Ben Simmons ang kanyang ika-31 career triple-double sa kinolektang 17 points, 11 rebounds at 10 assists at nagdagdag si Danny Green ng 14 points.

Pinamunuan ni Anthony Davis ang 13-0 atake ng Los Angeles para sa kanilang 106-105 abante sa huling 11.2 segundo kasunod ang pagbibida ni Harris para sa Philadelphia.

Kumamada si LeBron James ng 34 points para sa Lakers, may 23 at 16 markers sina Davis atDennis Schroder, ayon sa pagkakasunod.

Sa Tampa, humakot si  Giannis Antetokounmpo ng 24 points, 18 rebounds at 9 assists habang bumida si Donte DeVincenzo sa isang five-point sequence sa fourth quarter para akayin ang Milwaukee Bucks (11-6) sa 115-108 pagdaig sa Toronto Raptors (7-11).

Samantala, umabot na sa 22 games ang ipinagpaliban ng NBA ngayong season.

Ang orihinal na plano ng liga ay ilagay ang lahat ng naipagpalibang mga laro sa second half ng game schedules. Ang Wizards at ang Memphis Grizzlies ay parehong may anim na larong na-postpone

Sa 492 players naman na sumailalim sa COVID-19 sapul noong Enero 20 ay isa lang ang nagpositibo.

Bagama’t wala pang kasiguruhan ang NBA All-Stars, sinimulan na ang taunang botohan para sa All-Star rosters.

 

LOS ANGELES LAKERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with