Hawks inawat ang Clippers

ATLANTA — Humataw si guard Trae Young ng 38 points at sinamantala ng Hawks ang hindi paglalaro ng mga key players ng Los Angeles Clippers para angkinin ang 108-99 panalo.

Tinapos ng Atlanta (9-8) ang seven-game winning streak ng Clippers (13-5).

“For us, coming into the game we weren’t necessarily locked in from the beginning,” ani Young sa Hawks. “We just need to do a better job of attacking the first half the same way we do the second.”

Naglaro ang Clippers na wala sina leading scorers Kawhi Leonard at Paul George dahil sa health and safety protocols habang si guard Pa-trick Beverley ay namamaga ang kanang tuhod.

Pinamunuan ni Reggie Jackson ang Clippers sa kanyang 20 points, 8 assists at 7 rebounds at may 15 markers si Serge Ibaka.

Sa Salt Lake City, humakot si center Rudy Gobert ng 18 points, 19 rebounds at 4 block shots para pamunuan ang Utah Jazz (13-4) sa 108-94 tagumpay sa New York Knicks (8-11).

Ito ang pang-siyam na sunod na ratsada ng Jazz, nakahugot kina Royce O’Neale at Mike Conley ng 20 at 19 points, ayon sa pagkakasunod.

Pinangunahan ni Austin Rivers ang Knicks sa kanyang 25 points, habang nagtala si Julius Randle ng 18 points at 10 rebounds.

Sa Houston, tumipa si John Wall ng 24 points para akayin ang Rockets (7-9) sa 107-88 paggiba sa Washington Wizards (3-10).

Nag-ambag sina Victor Oladipo at Eric Gordon ng tig-20 points para sa ikatlong dikit na pana-nalasa ng Rockets.

 

 

Show comments