^

PM Sports

Northport ‘di bibitiw kay Standhardinger

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Northport �di bibitiw kay Standhardinger
Christian Standhardinger

MANILA, Philippines — Walang plano ang Northport na i-trade ang top big man na si Christian Standhardinger sa kabila ng mga trade rumors upang mapanatili ang solidong core ng team para sa nalalapit na 46th PBA Season sa Abril.

Buhat nang mapunta sa Northport noong 2019 mula sa San Miguel kapalit si Mo Tautuaa, ma-lakas ang ugong-ugong na hindi ang NorthPort ang kanyang huling destinasyon at namumuro itong malipat uli.

Iba’t ibang koponan ang nababanggit na pupuntahan ng 2017 no. 1 overall pick ngunit mismong si Batang Pier go-vernor Erick Arejola na ang naniguro na walang ibang team na patutu-nguhan si Standhardinger.

“We won’t be trading Christian. He’s a very vital part of the team so will not trade him,” ani Arejola sa online forum ng Philippine Sportswri-ters Association kahapon.

Malaki ang papel ng Filipino-German standout sa Batang Pier matapos silang gabayan sa una nilang PBA semifinals appearance noong 2019 Governors’ Cup kung saan siya tinanghal na Best Player of the Conference.

Samantala, inamin din ng Northport official na lumapit sa kanila ang Alaska para sa potensiyal na trade kay Vic Manuel subalit wala pang progreso ang negotiation sa ngayon.

Matapos ang kanyang kontrata, inanunsyo ni Manuel ang kanyang trade demand mula sa Aces camp.

Hiling ni Manuel ang NLEX, Phoenix o San Miguel bilang kanyang trade destinations subalit  nauna nang sinabi ng Alaska na nakikipag-usap din ito sa ibang koponan para sa potensiyal na trade.)

 

vuukle comment

CHRISTIAN STANDHARDINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with