^
May ipagmamalaki na ang Pinas sa tennis
Alex Eala

May ipagmamalaki na ang Pinas sa tennis

Russell Cadayona (Pang-masa) - January 26, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi matatawaran ang determinasyon ng 15-anyos na Pinay tennis sensation na si Alex Eala nang bumangon ito para resbakan si Yvonne Cavalle-Reimers, 5-7, 6-1, 6-2 at angkinin ang korona ng ITF Rafa Nadal Academy World Tennis Tour tournament sa Manacor, Spain.

Ito ang unang titulo ng ITF Juniors World No. 3 ranked player sa isang professional women’s singles tournament.

Naging problema ni Eala ang kanyang serves kaya sumandal siya sa kanyang paboritong groundstrokes para gulatin ang 28-anyos na si Cavalle-Reimers, isang 10-year pro na mayroong anim na ITF titles.

Nang napalakas ang forehand ni Cavalle-Rei­mers sa eighth game ng third set ay napasuntok sa hangin ang iskolar ng Rafa Nadal Academy bilang pagdiriwang sa kanyang tagumpay.

Si Cavalle-Reimers ay No. 490 player sa world ranking ng Women’s Tennis Association (WTA) .

“Congratulations Alex Eala for this important moment in your career. We are all very happy for you! Keep up the good work and attitude,” sabi ng Association of Tennis Professionals (ATP) World No. 2 at dating five-time World No. 1 ranked na si Nadal sa pa­nalo ng kanyang iskolar. “Vamos! Congrats! Very happy for you,” dagdag ng 34-anyos na 20-time Grand Slam champion.

Bukod sa korona ay nakamit din ni Eala, ang kasalukuyang World No. 1,651 sa WTA rankings, ang premyong $15,000.

Bago sibakin si Cavalle-Reimers sa finals ay magkakasunod munang pinatalsik ni Eala sina Italian Anna Paradisi, 6-1, 6-2 sa fist round;  No. 1 seed Seone Mendez ng Australia, 6-4, 6-1 sa second round; French Carole Monnet, 6-7, 7-6 (4), 6-4 sa quarterfinals; at si Adithya Karunaratne ng Hong Kong, 6-3, 6-4 sa semifinals.

Noong Pebrero ng 2020 ay nakamit ng pamangkin ni dating PBA Commissioner Noli Eala, katuwang si Indon partner Priska Nugroho, ang doubles crown ng Australian Open at umabante rin sa semifinals ng French Open girls’ singles tournament.

ALEX EALA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with