^
Dwight Ramos nasa Calambubble na
Dwight Ramos

Dwight Ramos nasa Calambubble na

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - January 26, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pumasok na rin sa Gilas Pilipinas training bubble sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna ang pambatong cadet na si Dwight Ramos dahil mayroon na itong medical clearance matapos dumating sa bansa nitong buwan mula sa California.

Natapos na ng Ateneo standout ang kanyang 14-day quarantine at nagnegatibo sa RT-PCR test upang mapayagang makapasok sa ‘Calambubble’ kung saan nagsasanay ang National pool simula pa noong Enero 10.

Sasamahan ni Ramos ang iba pang cadet na sina Isaac Go, Mike at Matt Nieto, Rey Suerte, Juan at Javi Gomez De Liano, Dave Ildefonso, Calvin Oftana, Justine Baltazar, Will Navarro, Kemark Carino at Ange Kouame.

Gagabayan sila ng anim na PBA cagers na sina CJ Perez, Kiefer Ravena, Justin Chua, RR Pogoy, Troy Rosario at Raul Soyud gayundin ng mga batikang coaches na sina Jong Uichico, Norman Black, Caloy Garcia, Sandy Arespacocahaga at Gilas program director Tab Baldwin.

Ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas, pina-finalize na rin nila ang pagdating ni Sotto sa lalong madaling panahon sa patuloy na pakikipag-ugnayan sa agency nitong East West Private.

Sa US din manggagaling ang 7-foot-3 teen star na pinayagan ng NBA G League na lumiban muna sa nalalapit na kampanya ng twam niyang Ignite sa 2021 Season sa Disney bubble sa Orlando, Florida.

Inaasahan ang malaking tulong nina Ramos at Sotto sa krusyal na laban ng Gilas sa ikatlo at huling window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa Pebrero 18-22 sa Clark, Pampanga.

Wala pang talo ang Gilas (3-0) sa Group A at isang panalo nalang ang kailangan kontra sa South Korea at Indonesia upang makapasok sa Asia Cup na idaraos sa Jakarta sa Agosto.

Nasa likod ng Nationals sa Group A ang SoKor (2-0), Indonesia (1-2) at Thailand (0-4).

 

 

DWIGHT RAMOS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with