^
Pacquiao-McGregor fight alanganin
Conor McGregor at Dustin Poirier

Pacquiao-McGregor fight alanganin

Chris Co (Pang-masa) - January 26, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos ang masaklap na kabiguan sa kamay ni Dustin Poirier, duda si Ultimate Fighting Championship (UFC) superstar Conor McGregor kung matutuloy pa ang mega fight nito laban kay Manny Pacquiao.

Bigong magpasiklab si McGregor nang lumasap ito ng second-round knockout loss kay Poirier sa kanilang UFC 257 fight kamakalawa sa Abu Dhabi.

Target sana ni McGregor na isunod na ang pakiki-pagsalpukan kay Pacquiao matapos ang kanyang laban kay Poirier. Subalit posibleng maglaho ang lahat dahil sa hindi magandang resulta ng kanyang laban.

“I wanted to focus on my MMA career but I’m also open (in boxing). Let’s just see what happens. I don’t know what will happen. That Manny fight was happening. It was as good as done. [Now] I don’t know,” ani McGregor.

Inamin pa nito na halos kasado na ang laban na inaasahang magaganap sana sa Abril o Mayo na target idaos sa Middle East. “It’s (Pacquiao fight) almost a certainty. I’m hearing there’s a contract and all coming. It’s that close,” ani McGregor.

Masama ang loob ni McGregor ngunit tanggap nito ang pagkatalo kay Poirier na mas preparado at armado ng  solidong game plan sa laban. “(It’s) the highest highs and the lowest lows in this game. I don’t know where I’m at, at the minute, to be honest. I’ll regroup. I’ll pick myself up, get up off the floor and go again. I’ll keep my head high,” ani McGregor.

CONOR MCGREGOR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with