^

Clippers 7-sunod na panalo

(Pang-masa) - January 26, 2021 - 12:00am

LOS ANGELES — Inilista ng Clippers ang kanilang pang-pitong sunod na panalo matapos talunin ang Oklahoma City Thunder, 108-101 tampok ang 34 points, 9 rebounds at 8 assists ni Kawhi Leonard.

Ito rin ang pangalawang dikit na pagdaig ng Los Angeles sa Oklahoma City ngayong season.

Nagdagdag si Serge Ibaka ng 17 points para sa Clippers na inilsta ang 13-4 record at nakatabla sa nagdedepensang Lakers para sa best record sa NBA.

“On a night when we weren’t making shots, it was a good, tough, grind-out win for us,” ani Clippers coach Tyronn Lue. “Kawhi had it going so we played through him a lot, especially in the second half. We had to ride him pretty hard just so we could continue to keep the lead.”

Pinamunuan ni Shai Gilgeous-Alexander ang Thunder (6-9) sa kanyang 23 points at may 22 markers si George Hill.

Sa Boston, humugot si Jaylen Brown ng 20 sa kanyang 33 points sa third quarter para tulungan ang Celtics (9-6) sa 141-103 paggupo sa Cleveland Cavaliers (8-8).

Sa Indianapolis, humataw si OG Anunoby ng season-high 30 points para sa 107-102 tagumpay ng Toronto Raptors (7-9) kontra sa Indiana Pacers (9-7).

Sa Orlando, isinalpak ni Gordon Hayward ang isang layup sa huling 0.7 segundo at tumapos na may 39 points sa 107-104 pagresbak ng Charlotte Hornets (7-9) laban sa Magic (7-10).

 

CLIPPERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with