^

Women power

POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - January 26, 2021 - 12:00am

Walang tigil ang women power na patuloy na nagde-deliver sa Philippine sports.

Latest heroine ang tennis wonderkid na si Alex Eala na umiskor ng kanyang unang championship noong nakaraang gabi sa Manacor, Spain sa kabataan ng kanyang professional career.

Sa edad na kinse, mukhang malayo ang marara-ting ni Eala lalo na sa kanyang pagpupunyagi bilang scholar sa pamosong Rafael Nadal Academy sa Spain. Siguradong hindi ito ang una’t huling panalo ni Eala.

Nakakabilib na tatag at tibay ng dibdib ang ipi-namalas ng bata kontra sa 28-year-old rival na si Yvonne Cavalle-Reimers, 5-7, 6-1, 6-2 sa final match ng International Tennis Federation’s W15 Manacor.

Ito ang kumompleto ng kanyang title run sa kanyang ikaanim pa lang na ITF tourney.

Women power din ang kumarga sa magandang performance ng Team Philippines noong 2018 Asian Games sa Jakarta at Palembang, Indonesia.

Humugot ng medalyang ginto ang golf team sa pamumuno nina Yuka Saso at Bianca Pagdanganan gayundin sina weightlifter Hidilyn Diaz and skateboarder Margielyn Didal.

At mula noon, hindi namamahinga sa pagbunot ng panalo ang mga Pinay athletes.

 

ALEX EALA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with