^
Sotto, Ramos hinihintay na ng Gilas sa calambubble   Ulanday
Kai Sotto at Dwight Ramos

Sotto, Ramos hinihintay na ng Gilas sa calambubble Ulanday

(Pang-masa) - January 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Malapit nang makumpleto ang Gilas Pilipinas pool upang mapaigting ang training camp nito sa Inspire Sports Academy sa Calamba bubble sa Laguna, isang buwan na lamang bago ang huli at ikatlong window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa Clark, Pampanga.

Ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), nakatakdang dumating sa training bubble si top cadet Dwight Ramos ngayong linggo habang pinoproseso na ang arrival ni NBA G League player Kai Sotto.

Sa katunayan, natapos na ni Ramos ang 14-day quarantine niya kahapon matapos dumating sa bansa mula sa California nitong buwan, ayon kay SBP President Al Panlilio, at sumailalim na sa huling swab test para sa kanyang clearance.

Sa kabilang banda, nakikipag-ugnayan na ang SBP sa East West Private agency ni Sotto at sa Inter-Agency Task Force para sa ligtas na pag-uwi ni Sotto sa lalong madaling panahon sa ila-lim pa rin ng mahigpit na protocols ng bansa.

Bagama’t medyo mahaba pa ang oras ng Gilas upang maghintay, umaasa silang mapapabilis ang proseso ng pag-uwi n7-foot-3 na si Sotto para matapos agad ang protocols at makapagsanay pa sa national team.

Inaasahan ang mala-king tulong nina Ramos at Sotto sa cadet-laden Gilas lalo’t anim na beteranong pros lang sa katauhan nina CJ Perez, Kiefer Rave-na, Troy Rosario, Justin Chua, RR Pogoy at Raul Soyud ang makakasama nila mula sa PBA.

Makakasama rin nila ang ibang cadets na sina Isaac Go, Matt Nieto, Mike Nieto, Calvin Oftana, Dave Ildefonso, Will Navarro, Kemark Carino, Juan at Javi Gomez De Liano, Rey Suerte at Justine Baltazar sa gabay nina coach Jong Uichico, Norman Black, Caloy Garcia, Sandy Arespacochaga at Gilas program director Tab Baldwin.

Nakasakay sa 3-0 ba-raha sa tuktok ng Group A, isang panalo nalang ang kailangan ng Gilas kontra South Korea sa Pebrero 18 at 22 gayundin laban sa Indonesia sa Pebrero 20 para makapasok sa FIBA Asia Cup proper na idaraos sa Jakarta sa Agosto.

DWIGHT RAMOS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with