^
Durant, Irving humataw
Kevin Durant at Kyrie Irving

Durant, Irving humataw

(Pang-masa) - January 25, 2021 - 12:00am

NEW YORK — Humataw si Kevin Durant ng 31 points habang may 28 markers si Kyrie Irving para tulungan ang Brooklyn Nets na sapawan ang career-high 41 points ni center Bam Adebayo at talunin ang Miami Heat, 128-124.

Nagdagdag si James Harden ng 12 points, 11 assists at 7 rebounds para ibangon ang Nets (10-8) sa dalawang sunod na kabiguan sa Cleveland Cavaliers.

Kumamada si Irving ng 12 points sa huling 5:48 minuto ng fourth period para makalayo sa Heat (6-9) na nauna nang nakabangon mula sa 18-point deficit. Umiskor si Joe Harris ng 23 points kasama ang pitong three-pointers para sa Brooklyn.

Nagtala si Goran Dragic ng 19 points sa panig ng Miami at may tig-18 markers sina Kendrick Nunn at Duncan Robinson.

Sa Chicago, nagposte si Anthony Davis ng 38 points, 6 boards at 3 assists para igiya ang nagdedepensang Los Angeles Lakers (13-4) sa 101-90 tagumpay sa Bulls (7-9).

Sa Salt Lake City, kumolekta si Donovan Mitchell ng 23 points, 7 rebounds at 6 assists para sa 127-108 paglampaso ng Utah Jazz (12-4) sa Golden State Warriors (8-8).

Sa Detroit, humakot si center Joel Embiid ng 33 points tampok ang dalawang free throws sa huling 7.2 segundo para akayin ang Philadelphia 76ers (12-5) sa 114-110 paglusot sa Pistons (3-13).

Sa Dallas, pumukol si Eric Gordon ng season-high 33 points at nagsumite si DeMarcus Cousins ng 28 points at 17 rebounds sa 133-108 panalo ng Houston Rockets (6-9) kontra sa Mavericks (8-8).

Sa Minneapolis, nagtala si Naz Reid ng 20 points para tulungan ang Minnesota Timberwolves (4-11) sa 120-110 paggiba sa New Orleans Pelicans (5-10).

 

KEVIN DURANT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with